Powered by Blogger.

Thursday, August 11, 2005

Para Sa Mga Mahilig Sa DATE


Amado Hernandez
Narito ang handog namin sa mga mahilig magbilang ng date - ilang mga eksenang naganap sa Gagalangin sa buwan ng Agosto:

"60th Anniversary ng
IMNO SA MAHAL NA POONG SAN JOSE"
Ang madamdamin at puno ng pag-asang awit natin para sa Mahal na Patrong San Jose ay sinulat ni National Artist Amado V. Hernandez at nilapatan ng musika ni Maestro Leon Ignacio sa kahilingan na rin nang noo'y Kura Paroko, si Msgr. Pedro S. Pajarillo noong Agosto 1945.

Ito ay unang ipinarinig sa madla ng maybahay ni Ka Amado, ang isa pa ring National Artist, Atang dela Rama.




DAKILANG SAKRIPISYO
Ibinenta ni Msgr. Pedro S. Pajarillo ang ilan sa kanyang mga personal na ari-arian upang abonohan ang pambayad sa 2,766 metro kuwadradong lupa na kinatitirikan ngayon ng ating simbahan, na binili ng parokya mula sa Pamilyang Cruz sa halagang P23,500 noong Agosto 30, 1946.

Kalaunan ay ibinalik din ni Arsobispo Michael O'Doherty sa dakilang Kura ang nabanggit na halaga.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP