
Ilang araw na rin nitong pinataob sa ratings ang kalabang korean nobelang Sassy Girl ng GMA-7. Sa kabila nito, hindi pa rin kumbinsido ang ilan sa inilalako na ito ng ABS-CBN. Kung ikaw ay taong mapag-isip at hindi basta na lamang sumasampalataya sa kung anu-anong bagay, hindi tatanggapin ng iyong sikmura na ito ay “teleserye ng totoong buhay.”
Itatanong mo sa iyong sarili, saang impiyerno sa Pilipinas, sa totoong buhay, na mayroong bahay na napapalibutan ng kulang tatlumpung tv cameras, na may isang boses, na tila nanggagaling sa ilalim ng lupa, na maririnig mo kahit saang bahagi ng bahay, na pwedeng mag-utos ng kahit ano…ng kahit ano…sa kung sino ang gustong utusan at pagagawain ng mga bagay na ikahihiya ng gumawa sa kanyang pagtanda.
No comments:
Post a Comment