Labingwalong ulit pang nagpakita ang mahiwagang babae kay Bernadette na lingid sa kanyang kaalaman na ito ay ang Mahal Na Birhen. Ang Mahal na Ina ay nag-utos sa kanya upang humukay at inumin ang tubig na bumukal dito. Kalaunan, ang hukay ay naging isang malaking bukal at ipinangako ng Mahal na Birhen na ito ay maghahatid ng lunas sa sinumang mangangailangan nito.
Hiniling din ng Birhen kay Bernadette na sabihan ang Kura ng lugar na iyon na magtayo ng kapilya sa dakong iyon bilang alaala ng kanyang aparisyon. Subalit si Bernadette ay hindi pinaniwalaan ng Kura at sa halip siya ay hinamon nito na sabihin sa mahiwagang babae na magpakita ng milagro.
At ito ay tinugon ng Mahal na Birhen. Marso 25, sinabi ng Birhen kay Bernadette na sabihin sa Kura na siya ang Inmaculada Concepcion, bagay na lingid pa sa kaalaman ng mga simpleng mananampalataya noong panahon iyon, Lalo’t higit sa isang katorse anyos na dalagita.
Taong 1862, lubos na tinanggap ng Simbahan ang mga aparisyong ito na naganap sa Lourdes, France. Magmula noon hanggang ngayon, libu-libo na ang mananampalataya ang napapagaling ng bukal na iyon. Samantalang si Bernadette ay naging madre at namatay noong 1879. Siya ay idineklarang Santa noong 1933, hindi dahil sa aparisyon kundi dahil sa kanyang simpleng buhay sa paglilingkod.
(Republished from ANLUWAGE.COM, Feb 2005)
No comments:
Post a Comment