Powered by Blogger.

Thursday, April 03, 2008

May Ruler Ka Ba?

Kanina, may isang cute na bata ang lumapit sa akin at nagtanong "Kuya, may ruler ka ba?" eh nasa kalsada ako ng 18th Avenue para umuwi. Malamang, wala di ba. So sinagot ko siya "Wala eh", "Ok lang Kuya salamat po ha!" Habang naglalakad ako para makauwi, hinabol ako ng bata at nagmano sa akin. Pagkamano, nagtanong siya "Kuya, di ba taga simbahan ka?", "Opo" sagot ko. Tinanong ko siya "Bakit ka nga pala naghahanap ng ruler?", "Kuya, kasi sabi ng Nanay ko, 'di daw kami mahal ng Diyos. Bakit daw ba kasi kami naghihirap. Kaya nga sabi ng Nanay ko, 'wag na lang daw ako magsimba kasi di naman kami mahal ng Diyos. Kaya nga gusto ko sana sukatin kung gaano tayo kamahal ng Diyos." Nagulat ako sa sagot ng bata. "Bakit mo susukatin?" "Kasi" tugon niya "gusto ko malaman kung gaano kahaba ang kanyang pagmamahal sa akin at sa Nanay ko. Baka naputol yung pag-ibig niya sa amin..."

Hindi ko masagot ang bata, bagkus, naluha lang ako. Tinanong ko siya kung saan siya nakatira, ang sagot niya ay taga-Cainta lang daw sila doon sa nasunog na bahay. Wala akong magawa. Hindi naman siya humihingi ng pagkain o damit o pera. Ang hinihingi niya ang isang RULER!!! RULER!!! Ruler para masukat ang pag-ibig ng Diyos sa kanila.

Umuwi ang batang sawi dahil hindi nasukat ang pag-ibig ng Diyos. Hindi alam kung mahal pa ba sila ng Diyos o naputol na ba. Gulong gulo ang aking isip. Nasira ang ang magandang araw dahil ako rin mismo ay nagtaka, sino ba ang batang iyon? Bakit ganun ang tanong at nasabi niya?

Ako, alam ko ang isasagot. Sa aking pinagaralan, sa aking experience at sa maraming bagay, alam ko ang sagot. Pero ito, itong pagkakataon na ito! Kakaiba! Mas lalung nag-apoy ang aking puso upang malaman pa lalu kung gaano tayo mahal ng Diyos.

Salamat sa'yo Anthony (pangalan ng bata)... Ginising mo ako.

(Ang encounter na ito ay nangyari sa aking panaginip kagabi.)

- from Bro. Dave Caesar de la Cruz's blog “Come be my light,” published 26 March 2008

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP