
Inilunsad noong ika-19 ng Hunyo 2009 ni Pope Benedict XVI ang "Year for Priests" upang himukin ang mga kaparian na muling diskubrihin ang kasagraduhan ng kanilang bokasyon at ang kahalagahan nito sa modernong panahon. Sino ba ang maaaring magpari? Ano ba ang maging pari?

2.Isinasagawa ng mga pari ang pagdaraos ng Banal na Misa at iba pang mga sakramento maliban sa Sakramento ng Kumpil.
3.May iba’t-ibang kongregasyong nangangasiwa sa mga kaparian, ang iba ay pinamumunuan ng mga Obispo at kilala bilang mga (arch)diocesan priests, at ang iba naman ay napapabilang sa mga religious orders gaya ng mga Augustinians, Dominicans, Franciscans, Jesuits, atbp.
4.Ang vow of celibacy (ang pag-iwas sa pagkakaroon ng sekswal na relasyon o pakikipagrelasyon) ay hindi isang doktrina subalit ito ay mahigpit na ipinatutupad para sa mga paring Katoliko dahila ang Simbahan ang tumatayong kanilang esposa na siyang sandigan ng mga kaparian sa pagsasabuhay ng mga gawain ni Kristo.
5.Ayon sa Vatican II, ang mga pari ay may tatlong pangunahing tungkulin: ipahayag ang Ebanghelyo, maging pastol ng mga mananampalataya at ipagdiwang ang banal na pagsamba bilang mga tunay na pari ng Bagong Tipan.
No comments:
Post a Comment