Powered by Blogger.
Showing posts with label rainy season. Show all posts
Showing posts with label rainy season. Show all posts

Monday, June 14, 2010

Pumapatak Na Naman Ang Ulan

June na naman! Kasabay nito ay pagpasok rin ng tag-ulan! Since hindi natin mapipigilan ang tag-ulan, kailangan lang nating maging handa upang maging maayos at di hassle ang ating pagpasok sa eskwela o trabaho. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga tips ngayong tag-ulan:

1. Ihanda ang ating mga rain gears. Raincoat. Water-resistant jacket. Payong. Kahit umaaraw pa pag-alis mo ng bahay, mas mainam na laging may bitbit nito, dahil unpredicatable na ang weather sa ganitong buwan.

2. Uminom ng maraming vitamin C. Vitamin C supplement. Fruits and fruit juices. Prone ang panahon na ito sa sipon, ubo at trangkaso. Kahit gaano pa kalakas ang resistensya mo, mainam nang maging handa dahil sa dami ng taong makakasabay mo na maaari kang mahawa sa iyo. Ika nga ng isang commercial, "bawal magkasakit"

3. Ihanda ang panyo. Ugaliing takpan ang bibig at ilong lalung-lalo na sa matataong lugar upang makaiwas sa airborne viruses. Likewise, ugaliin din takpan ang bibig at ilong kung nababahing upang di makahawa rin ng iba.

4. Gumamit ng water-resistant bags. Panatilihing tuyo ang mga gamit. Maganda kung ang bag mo ay malaki-laki para may paglagyan ka ng jacket at payong kung saka-sakaling bigla naman umaraw at di mo muna ito kailanganin.

5. Magdala ng extrang damit o extra shoes/slippers. Since di mo ma-predict ang weather, maigi na may extra kang damit at tsinelas sa office drawer mo just in case nabasa ka ng ulan sa pagpasok. Panatilihing tuyo ang likod at paa dahil mas prone tayo sa sakit kapag nabasa ng ulan.

6. Tips sa pag-aalaga sa sapatos ngayong tag-ulan:

   a. Sa pagpapatuyo ng sapatos na nabasa, maiging suksukan ito ng binilog na dyaryo at hayaan overnight. Sisipsipin nito ang moisture ng inyong sapatos. Kung yari sa balat ang sapatos at nabasa ng ulan, iwasan itong ibilad sa araw kasi magtutuklap lamang ito at magiging magaspang at tiyak di na ito kumportable pag sinuot ulit. Hayaan lamang itong matuyo sa labas at huwag ilagay sa bubong.

   b. Since di maiiwasang mabasa ang ating mga sapatos ngayong tag-ulan, malamang-lamang na problema rin ang pangangamoy nito dahil sa pagkakababad sa basa. Magandang maglagay ng baking soda o kaya uling sa loob ng shoe cabinet.

   c. Kung naputikan ang inyong white canvas sneakers at di na maalis kahit pagkatapos ng matinding hugas at kuskusan, pwede mong subukan kuskusan ng suka. O kaya i-try mong pahiran nang manipis na white toothpaste at hayaan itong matuyo.

   d. Kung ang sapatos mo ay hindi skid-proof (rubberized sole) at inabutan ka ng ulan, ang pansamantalang lunas dyan ay pahiran ang tapakan nito ng konting softdrinks para di ka madulas. Medyo gagawa lang ito ng ingay at malagkit sa paglalakad lalo na sa smooth surfaces.


Resources:



 

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP