Hindi na siguro malilimutan ni Henry ng Gagalangin, Tundo, Maynila ang pinakamabigat na "Question and Answer" portion ng kanyang buhay na naganap noong Pebrero 1990. Eksena: Sa presinto, alas sais ng gabi, sa harap ng isang pulis na may makinilya:
Tanong: Kung gayon, sabihin mong muli ang pangalan mo’t mga bagay-bagay na lubos na pagkikilanlan sa iyong pagkatao?
Sagot: HENRY __________, 30 taong gulang, may-asawa, walang trabaho at kasalukuyang naninirahan sa _________St., Gagalangin, Tondo, Manila.
Tanong: Marunong ka bang sumulat, bumasa at umintindi ng salitang Tagalog?
Sagot: Marunong po.
Tanong: Inaakusahan ka Henry ng Pangho-HOLD-UP na may kasamang pagpatay, na naganap nuong petsa-29 ng Enero 1990, mga bandang alas-10 ng gabi duon sa Tanigue St., Dagat-Dagatan, Caloocan City, ano ang masasbi mo rito?
Sagot: Tutuo po iyun, kasama po ako.
Tanong: Nakikilala mo ba kung sino ang namatay sa insidenteng nabanggit?
Sagot: Ang namatay po duon dahil nalunod ay ang driver ng pampasaherong jeep na aming na-HOLD-UP at dito po sa opisina ninyo ay nakilala ko sa pangalang: Alfredo .
Tanong: Ano ba mismong naging partisipasyon mo dito sa nasabing kaso?
Sagot: Ako po ang umupo sa dulo ng jeep, lumimas sa mga gamit at pera ng mga pasahero at gumapos at naghulog doon sa driver ng jeep sa may estero duon sa Dagat-Dagatan na hindi ko alam ay may tubig pala kaya’t nalunod itong driver.
Tanong: May mga kasama ka ba dito sa pangyayaring ito?
Sagot: Mayruon po, sila po ang ilan (Affiant at this juncture is pointing and referring to the persons who are presently inside the investigation room and who when asked gave their names as: Itoy, Alex and Tony) kasama pa rin po namin [sina] Onse, REY at ROWELL na taga-Caloocan din pero nakatakas.
Tanong: Isalaysay mo nga ang mga pangyayaring may kinalaman sa hold-up na may kasamang pagpatay na ito?
Sagot: Nagkita-kita po kaming magkakasama sa Letre at duon ay nagplano kaming mangho-HOLD-UP nga. Sumakay po kami ng jeep at nagpunta kami ng Malinta, Valenzuela. Pagdating duon, bale walo (8) kaming magkakasama ay muli kaming sumakay ng jeep patungong Monumento naman at itong jeep nga ay minamaneho ng napatay namin. Ako po ay pumuesto sa dulo ng jeep, itong sina Bayani at Alex ay lumagay naman sa harapan ng jeep, katabi ng driver si Alex. Ang ibang mga kasama namin ay pawang nasa loob ng jeep. Bale anim (6) po ang pasahero ng jeep at pagdating duon sa may Del Monte ay nag-anounce na kami ng hold-up at inilabas na rin ni Agustin itong baril na dala niya. Pinakanan po namin ang jeep sa Del Monte, diretso ng Acacia at tuloy ng Caloocan. Nuon po namin nilimas ang mga gamit at pera ng mga pasahero at saka ibinaba sila sa ilang na lugar sa Caloocan. Ang orihinal na driver naman po ay iginapos namin at itong si Bayani ang nagmaneho. Pinadapa po namin ang driver na sa kalaunan nga’y nakilala kong si Alfredo dela Cruz sa loob mismo ng jeep at pagdating duon sa Tanigue St. Dagat-Dagatan, Caloocan, ay ibinaba namin siya, pinalakad ng inut-inot patungong estero at lima (5) kami nina Bayani, Alex, Rowel, at Rey na bumuhat sa kanya at naglaglag sa estero, na hindi namin alam na may tubig kaya’t namatay itong driver sa pagkalunod. Sumakay kaming muli sa jeep at bumiyahe pa kami na si Bayani pa rin ang driver at mula sa Recto patungong Monumento ay hinold-up namin itong mga pasahero namin sa bandang Manuguit at nang matapos namin silang pababain ay inabandona namin ang jeep sa may P. Sevilla, 10th Ave., Calookan City.
Tanong: Saan kayo nag parte-parte?
Sagot: Duon na po sa Letre.
Tanong: Saan mismo sa Letre?
Sagot: Duon po sa Caltex Gasoline Station.
Tanong: Duon ba ang tagpuan ninyo?
Sagot: Opo.
Tanong: Paanong nasakote ng mga alagad ng batas ang grupo ninyo?
Sagot: Kasi po ay nagtipon-tipon kami sa Letre uli para manghold-up sa Malolos pero may naghudas pala na kasama namin kaya't nasakote kami.
Tanong: Sinong naghudas sa inyo?
Sagot: Hindi po namin alam.
Tanong: Ano ang mga armas na ginamit ninyo sa nasabing hold-up na may kasamang pagpatay?
Sagot: Puro matalas po maliban kay Alex at Agustin na kapwa may baril.
Tanong: Ano ba ang masasabi mo sa mga baril na nasa ibabaw ng aking mesa ngayon?
Sagot: Iyan po mismo ang kargada nina Alex at Agustin. Iyun pong .38 ay kay Alex at .22 naman ang kay Agustin. (Affiant at this juncture is pointing and referring to the handguns on top of this investigator's table particularly described as one (1) .38 cal rev marked Squires Bingham with SN-xxxxxxx loaded w/ four live ammos in its cylinder and one (1) .22 cal rev. marked Commanche Chief with SN-xxxxxx with four live ammos in its cylinder.)
Tanong: Pansamantala ay wala muna akong itatanong sa iyo, may nais ka bang sabihin pa?
Sagot: Wala na po.
Tanong: Lalagdaan mo ba ang salaysay mong ito bilang patunay sa lahat ng nasasaad dito?
Sagot: Opo. (End of Statement, 6:00 p.m./10 February 1990)
Eleven years later. Pinagtibay ng Korte Suprema ang naunang desisyon ng Regional Trial Court laban sa apela ni Henry. RECLUSION PERPTUA ( Habambuhay na pagkakabilanggo ).
Sinaliksik ni MOKONG
Source: SUPREMECOURT.GOV.PH
No comments:
Post a Comment