Kailangan mo ba ‘ka mo ng internet? Isaksak mo sa kahit saang outlet ng bahay mo.
Ito ang pinakabuod ng proyektong inihahanda ng IBM at ng CenterPoint Energy ng Houston, Texas. Ayon sa ulat ng The New York Times, ang 2 higanteng kumpanya ay nagkasundo na maglunsad ng broadband internet na ipamamahagi sa pamamagitan ng mga kawad ng kuryente.
Ang mga kawad ng kuryente umano ay kaya rin sabay na daluyan ng mga data, na siyang pangunahing bahagi ng internet, kung kaya umaasa ang 2 nabanggit na kumpanya na ang mga consumers ay maaaring magkaroon ng mabilis na internet kahit saan sa pamamagitan lamang ng pagkakabit ng isang espesyal na adapter sa saksakan ng kuryente.
Ang teknolohiyang ito ay ginagamit na, on limited basis, sa New York subalit ang adapter ay nagkakahalaga ng $200 ( P12,000++) bawat isa. Inaasahang bababa pa ang presyo nito sa hinaharap kapag nagsimula na ang mass production.
Madali umanong gamitin ang nasabing adapter at pwedeng gamitin kahit saang outlet kaya hindi na kinakailangan pa ng technician para magkabit nito. ( TA,Inc. )

No comments:
Post a Comment