Powered by Blogger.

Thursday, July 07, 2005

Sino Nga Ba Siya?

(Pssst!!! Basahin mo naman to!! Mahirap sumulat ng article tungkol sa isang tao… Hindi ko nga alam kung paano to sisimulan eh… Hindi naman ito tungkol sa akin, napag-utusan lang… )



A-l ang tawag ng marami sa kanya. Isang daglit, madaling sabihin, madaling tawagin, madaling tandaan. Ginagamit sa maraming salita, Al as: in al-musal, al-mirol, al-bum, al-batross, al-agad. Al-am mo ba na hindi dapat Al ang pangalan ni Al? Al-anganin pa ang kanyang ama’t ina sa pangalang ito dahil akala kasi nila babae ang kanilang magiging bunsong anak. Rose pa naman sana ang gusto nilang ipangalan. Pero pwede pa din naman kung naging babae ah? Like Rose-AL-y!

L-igaw. Kailan man hindi niya ginawa. Noong kasagsagan ng kanyang Torres High School campus career, eto palang si Al eh hindi nanliligaw! Bakit kaya?! Siguro hindi romantiko at hindi maka-compose ng love-letter? Siguro sobrang kuripot ayaw gumastos para bumili ng chocolate and flowers? Tama? Mali!! Ayon sa aking intelligent and reliable source kaya hindi siya nanliligaw eh siya ang nililigawan! Talaga lang ha..? Ang tanging gagawin na lamang niya ay ang mamili. Minsan pa nga daw yung dating mag-bestfriend eh naging worst enemies, nagkagalit dahil yung isa ang mas-type ni Al. Hayyy… high school puppy love nga naman…. mabenta talaga ang mapuputi, mukha kasing malinis at mabango… hehehe…

F-ans ng Ginebra. Isa siya sa milyun-milyong walang sawang taga-hanga ng Ginebra. Magkakagalit kayo nyan kung ililipat mo ang channel sa the Buzz. Kahit tambakan na okay lang papanoorin pa din. Kahit kulelat na sa standing, okay lang susportado pa din. Para sa kanya ang tunay na fans, walang iwanan. Tumanda man si Caguioa, magresign man si Jaworski, palitan man si Caidic nakasubaybay pa rin. Bawat laban inaabangan, handang sumigaw, tumalon at magmura sa lahat ng laban, manalo man o matalo.

R-eyes, an Ignoble Beginning. Si Al ang bunso sa apat na magkakapatid, panay brif ang nilalaban ng kanyang nanay dahil puro sila lalaki. Mapagkumbaba, masayahin, simple at masipag, Ilan lamang iyan sa mga katangiang hinahangaan ko sa pamilyang kanyang pinagmulan. Kaya nga’t hindi ako nagtataka kung bakit dala-dala niya ang mga katangiang ito. Minulat siya at ang kanyang tatlo pang kapatid ng kanilang mga magulang kung papaano maging responsable, mamuhay ng matuwid at walang inggitan. (hmmnn… I think I deserve a treat! HAHAHA!!!)

A-damson College. Nagtapos siya dito ng kursong BS Computer Engineering. Hindi ko na lang sasabihin kung ilang taon! Hehehe… Actually, sisiw lang sa kanya ang course na ‘to kasi walang Science at Chemistry subjects. Eh bakit sya nagtagal? Hindi naman dahil sa nahirapan siya sa course kaya siya nagtagal kundi dahil sa naging working student siya. Ang sipag no? Nagtrabaho siya as part-time crew sa Wendy’s Hamburger. Siya ang “Master of Burgers.” Kahit nakapikit alam niya kung paano i-arrange lahat ng klaseng Wendy’s burgers. At alam nya kung saan ang tamang lugar ng catsup! Ikaw, alam mo ba kung saan? At alam mo ba kung ano ang mauuna? Burger patty, lettuce o cheese?

N-o Non-sense. Mahirap isali sa chismisan itong taong ‘to. Asahan mo nang mapapanis ang laway mo. Hindi mo mawari kung wala siyang alam tungkol sa topic na pinag-uusapan o hindi lang talaga interisado. Sobrang tahimik kasi at hindi masyadong nagpa-participate! Mas lalu na kapag ang topic ay buhay ng artista, kapitbahay, classmate at officemate. Hindi nya gawain ang pag-usapan sila lalung-lalo na kapag hindi siya sangkot, kapag walang mapapala o walang kinalaman. Oo nga naman, may punto siya doon, sayang nga naman ang oras kung ibang tao lang ang pag-uusapan. Anything about Computers at basketball baka pansinin pa nya.

C-haritable Heart. Isa sa mga lihim na pangarap niya sa buhay ay ang makatulong ng palihim din sa ibang tao lalung-lalu na yung mga dukha at nangangailangan sa buhay. Pero ang pagtulong na ito ay hindi parang isang raffle sa gameshow. Hindi nya ito basta-basta ibibigay. Kailangan ay pumasa muna siya sa unang qualification: dapat ay makita muna nya sa taong ito ang kagustuhang tulungan ang kanyang sarili. Isang taong matiyaga at handang suungin ang anumang alon at bagyo ng buhay. As the old adage says, “Don’t give the man the fish but teach them how to fish.”

I-nspired Deep Within. Al is presently single (may pag-asa pa tayo mga mama at papa!) but attached, (aayyyy…!). Kilala mo ba yung gf nya? I wonder what makes him love that girl…? Kung ako lang ang tatanungin, hindi naman sya kagandahan, maputi lang, mukha pang suplada, at 38-24-36 ba ang stat niya tulad ko? But if we ponder about Al for a while and reach his soul, I guess he is really inspired not only by that girl… He gets his inspiration deep within – from God. Maybe not everybody is aware who really Al is beyond his smiling face because he is a secretive and silent type of man. He has been into a lot of challenges, since childhood to school life especially in College. But the biggest trial he has ever encountered was job hunting. He was rejected several times looking for a suited work. He secured no work for a long time that grew him weary and impatient. He was tormented and tested, and even reached the point of doubting himself. Nevertheless, he did not give up trying. Instead, he developed a stronger faith to God, the source of his hope, strength and inspiration. Once he shared this to me saying, “God is really good. He will never leave you nor for sake you no matter what.”

S-ervant of God. Laking simbahan si Al. Grade 5 pa lang ay sakristan na siya. Tuwing Linggo o kahit na anong araw basta may misa, on-call siya. Gumigising ng madaling araw para maglingkod sa simbang gabi. Noong graduate na siya sa pagiging sakristan naging active member naman siya ng Tanghalang Anluwage. Hawak niya ang technical aspects. Minsan kinulang ng actor ang TA, sa hindi inaasahang pagkakataon naisip nila si Al. May potensyal pala si Al! At mula noon, naipamalas niya ang natatagong husay sa pag-arte, maging sa loob o labas ng entablado. Hindi doon nagtatapos ang kanyang paglingkod sa simbahan, naging active member din siya ng Manila Cathedral Lectors and Commentators for Sunday Masses.

Nawa’y kahit papaano ay may napulot kayong dagdag kaalaman tungkol sa ating kaibigan…

Image by ANLUWAGE.COM





4 comments:

Anonymous said...

hapi bday al francis reyes!!! may all the peace and happiness in this world be with you always. i miss you so much,miss ko na chismisan natin over the phone at mga txt2 ntin always remember im always here for u, i love you very2 much and miss n kta grabe ...ate loury

Anonymous said...

Kuya Al,

Happy, happy birthday! We are glad you were born! God bless.

Anonymous said...

maraming salamat sa kung sino man nagsulat nito. isa sa mga blessings ko ay maging kaibigan kayo. maraming salamat ulit. GOD bless!!

aL

Anonymous said...

Kuya Al,
AL-a ka pa rin idea kung sino ang sumulat nito? hehehe! ayaw niyang pasabi kse surprise daw niya sa'yo. Mas maganda kung siya na ang aamin sa'yo. hehehe!

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP