Powered by Blogger.

Thursday, September 29, 2005

Oktubre : Buwan ng Ano?

anluwage.com
Makiisa sa pagdiriwang ng masayang buwan na ito ng Santo Rosaryo kasama ng ANLUWAGE.COM. Subaybayan!





ANG ROSARYO NG MAHAL NA BIRHEN
By Bishop Soc Villegas

Si Maria ay tinagurian ng ating mahal na Papa Juan Pablo II bilang “Tala ng Bagong Pamamahayag ng Mabuting Balita”. Wika niya: “Si Maria ay maningning na bukang liwayway at tiyak na gabay sa bawat hakbang” (NMI, 58). Tumulad tayo sa pagninilay ni Maria sa mukha ng kanyang Anak na si Jesus. Ang rosaryo ay hindi lamang paulit-ulit na panalangin. Ang buod ng rosaryo ay ang pagninilay sa buhay ng Panginoong Jesukristo. Ang Rosaryo ay “Ebanghelyo mula sa paningin ni Maria”. Masdan natin ang mukha ni Jesus sa pamamagitan ng taimtim na pagdarasal ng rosaryo.

Batid kong mayroon tayong mga kilusang pansimbahan na nagdarasal ng rosaryo sa ating mga kapilya at simbahan. Batid ko ang masigasig na pagdarasal ng rosaryo sa ilang kapitbahayan. Bagamat maganda ang mga ito, nais kong sabihing ito ay hindi sapat.

Itinatagubilin ko sa lahat ng magulang ang pagdarasal ng rosaryo sa bawat tahanan bilang mag-anak. Pakiusap ko sa ating mga guro sa paaralan na himukin ang mga kabataan na magrosaryo nang pangkat-pangkat sa paaralan. Ipinapayo ko rin na basahin natin ang Ebanghelyo pagkatapos nating manalangin ng rosaryo upang ang Mabuting Balita ay siyang maging ugat ng ating buhay.


THE RECITATION OF THE HOLY ROSARY


ANLUWAGE-FM



GLORIOUS MYSTERIES






SORROWFUL MYSTERIES





JOYFUL MYSTERIES

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP