Powered by Blogger.

Friday, November 11, 2005

Gagalangin BIG Sister!

By JB (CYO)

Loury Ann Serdon. Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa kanya? Bakit nga kaya sinasabi ng marami na isa na siya sa haligi o poste ng simbahan? Paano kaya niya napapanatili ang pagiging “certified pasaway” at “tunay na tagasunod at lingkod ng Diyos”?

Si Ate Loury ang nag-iisang Katoliko sa kanilang pamilya. Hindi ba’t nakakapagtaka na napanatili niyang nagsisilbi sa simbahan gayong iba ang relihiyon ng kanyang pamilya. Siya ang “binibini” na hindi na kailangan ng “mic” sa tuwing kumakanta. Ano nga naman ang sinabi ng kakaibang sound system ng simbahan sa lakas at “power” ng boses nia. Kung sa t.v. ay may mga diva, masasabi kong siya ang “power belter” ng St. Joseph.(Belter daw oh?!) Sa kanyang “charm” lahat ay napapa-ayon, napapasunod at napapakain.(“,) Mauubusan ka ng dahilan o palusot kapag siya ang kausap mo at para matigil siya, susunod at pagbibigyan mo na lamang ang gusto niya. “Cowboy” din ang isang ito… ibig sabihin “game” sa maraming bagay. Walang arte, kahit nga hindi na kaya ng katawan niya eh go pa rin hangang sa atakihin na siya ng hika niya.. at ayun takbo ang lahat para haplusin at paluin ang likod niya. Familiar ka na ba sa kanya?

“Certified Pasaway” itong si Ate Loury sapagkat marunong pa siya kay “doctor” (dak-tor). Kung ano ang bawal ay siya niyang ginagawa at kinakain. Umiinom ng gamot kung kelan lang niya matandaan na kailangan niyang uminom. Sobrang prangka rin siya kaya nga ba maraming bagong myembro ang CYO na takot sa kanya, at minsan ayaw ng bumalik dahil sa takot. Naranasan ko na minsan ang likas na katarayan nia at syempre, hindi ko kinaya.(“,) May sariling orasan din siya, yung oras na sumusunod sa kanya. Kaya nga minsan napapagalitan ni mommy niya. Marami ring “term of endearment” ang kagandahang ito. “Name it she has it”. Panget….. Vest…. Sugar… Frenchfries….

Sa kabila ng pagiging pasaway ni Ate Loury ay ang isang malaki at matabang puso. (kitam pati puso niya malaki) Gusto niya kung anong kakainin niya ay yun din ang kakainin mo. Kung kailangan mo ng tulong, palagi siyang nandyan, handang makinig at handang tumulong sa abot ng kanyang makakaya. Ayaw niya ng may naririnig na masasamang bagay tungkol sa mga kaibigan niya. Sa lahat ng oras “career” niya ang pagkanta. At iilan beses ko na rin bang nakitang taimtim siyang nagdadasal sa Adoration Chapel.

Malamang sa sigurado ako na maraming nagmamahal at nagpapahalaga sa isang Loury Ann Serdon. Maraming nagpapasalamat na binigyan siya ng second-life ni God. Isang ngang biyaya si Ate Loury sa buhay ng marami. Kaya’t sa kanyang kaarawan, sabay-sabay tayong bumati ng…. Isang Masigabong Palakpakan!!!!

Maligayang Kaarawan pala!!!!..... Happy Birthday!!!!! (“,)(”,)

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP