Powered by Blogger.

Monday, March 16, 2009

St. Joseph

By Patty Dela Rosa - Paat

ANLUWAGE.COM1. Si San Jose ay idineklarang patron ng Pandaigdigang Simbahan o Universal Church noong 1870 ni Pope Pius IX.

2. Marso 19, ang kapistahan ni San Jose, esposo ni Maria.

3. 1955 itinatag ang kapistahan ni San Jose, ang Manggagawa, tuwing Mayo 1 ni Pope Pius XII kasabay ng pagdiriwang ng Communist’s May Day. Isinagawa ito ng butihing papa upang huwag malihis ng landas ang mga Katoliko sa mga maling aral ng Komunismo.

4. MARCH 19 - Hindi lamang ang La Festa di San Giuseppe (kapistahan ni San Jose) ipinagdiriwang ng mga Italyano sa petsang ito. Sa araw ding ito ipingadiriwang sa bansang Italy ang “ Father’s Day”.

Bakit nga ba naging patron ng mga Italyano si San Jose? Hindi naman siya isang Italyano sapagkat siya ay isang Hudyo? Likas sa mga mananampalatayang Italyano ang pagiging madasalin at ang paghingi ng tulong sa mga santo at santa sa mga panahong sila ay nangangailangan ay nagging bahagi na ng kanilang buhay.

Isang panalangin kay San Jose ang naging kasagutan sa pagiging espesyal na araw ng Marso 19 para sa mga Italyano. Ayon sa kuwento, isang masamang pangyayari ang naganap sa Sicily,Italy noong unang panahon. Nagkaroon ng tagtuyot sa lugar na ito. Kung kaya ang mga tao ay nanalangin kay San Jose at humingi ng tulong upang mapatigil ang tag-tuyot sa kanilang lugar.

Kasabay ng mga panalangin ang pangakong magdaraos sila ng malaking piging o pagdiriwang bilang pasasalamat at pagbibigay karangalan ni San Jose. At nagkaroon nga ng katugunan ang kanilang mga panalangin kung kaya ang mga tao ay naghanda para sa isang napakalaking piging at ang lahat ay nagdiwang; mayaman man o mahirap ay nagkaisa sa malaking salu-salong inihanda ng bawat isa.

Sa isang tipikal na "St Joseph's Day altar" naglalagay ang mga deboto ng mga bulaklak, lime, kandila, alak, fava beans, cakes, tinapay, zeppole, at iba pang putaheng walang karne. Ang mga pagkain ay hinahaluan ng "bread crumbs" na animo'y kusot dahil si San Jose ay isang karpintero. May tatlong baitang ang altar bilang pag-alala sa Banal na Santatlo.

Magpahanggang ngayon ay isinasagawa ng mga Italyano ang masaganang pagdiriwang sa karangalan ni San Jose.

5. Tinawag din si San Jose na patron ng mga "Real Estate Agent" o "House Seller"

Isang Gawain at paniniwala na patuloy pa ring isinasagawa lalo na sa bansang America ang pagbabaon o paglilibing sa estatwa ni San Jose sa isang bahay o lupang nais ipagbili.

ANLUWAGE.COMIbinabaon ang estatwa ni San Jose sa labas ng bakuran paharap sa bahay o kaya naman ay malapit sa sign board ng bahay o lupang ibinebenta. Ang estatwa ni San Jose ay ibinabaon ng patiwarik (kung saan ang bahaging paanan ay nakatutok sa langit). Sa bansang Amerika ang mga Religious Article Stores ay mabibilhan ng complete home seller kit (napapaloob dito ang estatwa ni St. Joseph, prayer card at isang bag na paglalagayan sa estatwa upang mapanatili ang kalinisan nito). Kasabay ng paglilibing ay ang pag-usal ng panalangin para sa karangalan ni San Jose.
Ayon sa paniniwalang ito, ay mas mapapabilis ang pagbebenta ng isang bahay o lupa kapag isinagawa ang paglilibing sa estatwa ni San Jose.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP