Powered by Blogger.

Thursday, January 28, 2010

Buhay ng Lingkod-Simbahan

By Grace Madriñan


Bilang bahagi pa rin ng iyong New Year’s resolution, naisip mong maging aktibo sa pagsisilbi sa Simbahan, lalo na sa Banal na Misa? Pero ano nga ba ang maaari mong salihan?

1. Ushers – Sila yung unang bumabati sa atin pagpasok ng simbahan, nag-gagabay papunta sa available seats at nag-aassist sa flow ng Communion. Kailangan dito ay warm and accommodating since they need to lead people, at kumausap ng iba-ibang tao.

2. Lector/Commentator – Sila ang opisyal na tagapagpahayag ng Salita ng Diyos. Sila rin yung mga tagapaghanda, nagbibigay ng paala-ala para mapanatiling banal ang Misa. Kailangan dito ay articulate, malinaw ang pananalita upang madaling maunawaan ng mga nakakarinig. Karaniwang kabilang dito ay ang mga taong may malalim na pagkaunawa sa Bibliya at Banal na Misa. Kung nais mong sumali dito, makakatulong ito sa iyo para mas maging malapit sa Salita ng Diyos.


3. Special Ministers of Holy Communion – Sila yung mga dakilang katuwang ng Pari tuwing Misa. Dahil sa kakulangan ng mga Pari, sila ang karaniwang gumagawa ng ibang tungkulin nila, gaya ng pagbibigay ng Komunyon, pagbebendisyon at pagdarasal sa maysakit. Dahil sa ganitong tungkulin, ang mga nagnanais na sumali dito ay kailangang sumailalim sa ilang Seminar upang maging tunay na karapat-dapat at ganap na Lay Minister.

4. Sacristan – Sila ang naghahanda ng Altar at ano pa mang gagamitin sa Misa o anumang banal na pagtitipon gaya ng binyag, kumpil at iba pa. Karaniwang kasali dito ay mga kabataang lalaki may edad sampu pataas.

5. Choir o Koro. - Puwede kang sumali dito lalo na at kung hilig mo talagang kumanta. Magandang oportunidad ito para makapag-serve and at the same time enjoy ka pa! Sa isang parokya, karaniwan ay maraming choir: merong all-male, youth choir o kaya mixed choir. So ikaw na bahala mamili kung ano ang nais mong lahukan. Pero if you think it is going to be an easy task, think again! Una, dapat pumasa ka sa auditions. Pangalawa, once you become a member of the choir, kailangan total commitment. Kailangan ng buong puso at pagtitiyaga sa pag-attend ng practice at mga misa. A choir can either make or break a Mass. Pag maganda at buhay na buhay ang pagkanta, puwedeng mahikayat at gisingin ang mga natutulog na diwa ng mga nagsisimba. Kung palpak ang choir, puwede itong maka-distract sa mga nagmimisa at makasira sa pagkasagrado ng Eukaristiya.

Nakapag-isip ka na ba kung ano ang gusto mong lahukan? Ano mang grupo ang iyong lahukan, ang mahalaga sa lahat ay ihanda ang puso at sarili sa tunay na paglilingkod. Tiyak masisiyahan sa iyo si Bro!

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP