Ayaw mo sa bahay. Si Mommy laging busy. Si Daddy laging lasing. Kapag nagpang-abot sila, laging may sigawan. Nakakarindi na. Kaya't pinili mo na lamang sumama sa boyfriend mo. Iba sya. Mahal ka nya at di ka nya pababayaan. Walang nagmahal sa iyo katulad ng pagmamahal nya. Kaya nung niyaya ka nyang tumuloy sa bahay nya, di ka na nagdalawang-isip. Masyado kang nagtiwala sa boyfriend mo. Hanggang sa naganap ang di dapat maganap. Isang araw, gumising ka nang masama ang pakiramdam at nagdududuwal. At namalayan mo na ang isang pagtakas sa problema ay nagbunga pa ng isa pang problema.
Sinubukan mong sabihin sa iyong magulang. Ngunit sa halip na kalingain ka nila ay itinakwil ka pa. At ang boyfriend mo na inaasahan mong papanagutan ka ay naglaho na parang bula. Di mo malaman kung ano ang dapat mong gawin. Alam mong mali ang ipalaglag ang bata pero nagugulahan ka, "Ano ang alam ko sa pagapapalaki ng bata? Isa lamang din akong bata, saan ako pupunta?" Isa lamang ito sa mga pangkaraniwang kuwento ng ilang kababaihan natin ngayon. Bunga man ito ng isang pagkakamali, kapusukan o maling pagpapaplano -- dapat itong pangatawanan at harapin. Mapalad tayo at marami nang mga shelter ngayon ang nagbibigay ng libreng konsulta tungkol sa pagbubuntis. Karamihan pa dito ay maaaring maging pansamantalang tahanan habang ikaw ay nagdadalantao. Doon maari silang makapag-isip ng plano para sa kanilang kinabukasan habang nasa pangangalaga ng mga eksperto.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa shelters na nangangalinga sa mga unwed mothers at ang kanilang mga sanggol:
Grace To Be Born
- Nagsisilbing pansamantalang tahanan ng mga unwed mothers at mga inabandonang sanggol. Tumutulong ito sa pagtustos ng gastusin sa panganganak at pag-aalaga ng mga bagong panganak na sanggol. Itinatag ito ng Light of Jesus community bilang bahagi ng kanilang pro-life campaign laban sa abortion. Layunin nilang kumbinsihin ang mga kababaihang nasa krisis na pangalagaan ang buhay ng kanilang sanggol at bigyan ng ibang alternatibo. Lubos silang umaasa sa mga donasyon mula sa miyembro ng kanilang community, mga NGOs, church and civic organizations para matugunan ang pangangailangan ng ina at sanggol na kanila kinakalinga.
Address: 53 Dr. Sixto Antonio Avenue in Kapasigan, Pasig City
Contact Person: Rey Ortega at 0927-501-0605/0927-501-0605
Myrna Ortega at 0917-803-9139/0917-803-9139
Nazareth Home
- Pansamantalang tahanan ng mga kabataang maagang nagbuntis at unwed mothers. Ito ay pinamamahalaan ng Kaisahang Buhay Foundation (KBF). Layunin nitong pangalagaan ang mga ina at ang kanilang sanggol. Ito ay kumukupkop sa mga kababaihan upang mabigyan sila ng alternatibo sa pagpapalaki ng kanilang sanggol, gayun din ng proper counseling at guidance sa pagiging single mother.
Address: CFM National Family Center , 6-A Big Horseshoe Drive, Quezon City 1112
Tel. [63-2] 724-6747
The HAVEN – National Center for Women
- Kumukupkop sa mga unwed mothers, 18 yrs old and above at di lalampas sa 7 months na pagbubuntis. Nagbibigay din sila ng face to face counseling, medical service at nangangasiwa ng referral ng bata for adoption sa ibang institusyon
Address: Northgate Avenue, Filinvest Corporate City, Alabang Road, Alabang Munting Lupa City
Tel. # 807-15-86
Schedule: Opens from Monday to Friday; 8:00am to 5:00pm
Heart of Mary Villa
- Tahanan para sa mga unwed mothers at pangangalaga ng sanggol, nangangasiwa sa pagpapa-ampon, Christian formation at tulong sa kabuhayan ng mga single mothers.
Address : 394 M.H. Del Pilar St. Maysilo Bulacan
Tel. # : 287-37-26 (dial 109)
NORFIL Foundation
- Pansamantalang tahanan para sa unwed mothers (6 months na nagdadalantao), pangangasiwa ng adoption local or foreign, pangangalaga sa bagong panganak na sanggol at counseling para sa mga ina
Address : 16 Mother Ignacia St. cor Roces Ave. Q.C.
Tel. # : 372-35-77 loc. 31

No comments:
Post a Comment