Kung maka-mahirap ako
Pero pawang pangungupit,
Kabang-bayan aking ginigipit?
Pari : Nakanino ba’ng katapatan ko
Kung lingkod ako ni Kristo
Ngunit namumuhay-hari
Sa lipunang salat sa pag-iwi?
Obispo : Nakanino ba’ng katapatan ko
Kung sa kawan, pastol ako
Subalit sunud-sunuran
Sa utos ng Roma at patakaran ?
Layko: Nakanino ba’ng katapatan ko
Kung ako’y isang Kristiyano
Pero ‘pag uwi ng bahay
Sa mga ibang diyos nag-aalay?
Manggagawa: Nakanino ba’ng katapatan ko
Kung publiko ang amo ko
Ngunit laging “Mamaya na!”
Bukambibig ko ‘pag nandyan sila?
May-asawa: Nakanino ba’ng katapatan ko
Kung nakatali na’ng puso,
Sa iba’y nagnanasa pa
O sa magulang nakasandal pa?
Magulang: Nakanino ba’ng katapatan ko
Kung may anak akong tao
Subalit barkada, bisyo
O kaanak ang priyoridad ko?
Anak: Nakanino ba’ng katapatan ko
Kung ako’y nasa kolehiyo,
Bulakbol na’y bulagsak pa
Hirap ng iba’y di mahalaga?

No comments:
Post a Comment