Ayon sa Wikipedia, 80% of the Philippine population are Roman Catholics. Pero sad to say, kakaunti lang ang regular na dumadalo ng Banal na Misa. And for those who attends the Mass, barely a few understand the solemnity of the Holy Eucharist. Nandyan yung may naririnig kang cellphone beeping during the Mass, may nakikita kang ngumunguya ng chewing gum or mga nakasuot ng 'plunging necklines' o kaya nagtsitsismisan. Hay...
Kung kaya sa edisyon ng Pahina 3 this week, minabuti naming ipaalala ang mga 'guidelines' or alituntuning dapat nating isapuso bilang respeto sa ating Simbahan:

1. Wear appropriate clothing. Igalang ang Simbahan at magsuot lamang nang nararapat. Yung tipong di takaw-pansin na sa halip na makatulong sa iba ay magiging dahilan pa tayo para lalo silang magkasala. Kung sa kasal at iba pang okasyon nagagawa nating maging ‘best dressed’, bakit di natin ito kayang gawin para kay ‘Bro’? Ang sumusunod na larawan ay gabay na nalathala noong Hunyo 2007 at makikitang nakapaskil sa karamihan ng mga Simbahan:

2. Be on time. Kung alas-otso ang Misa, dumating tayo ng alas-otso, hindi 8:15 or 8:30. Mas maigi kung dumating tayo nang sampung minuto na mas maaga sa oras ng misa, para makapaghanap pa ng maayos na mauupuan. Nang sa gayon, di rin tayo maabala o makaabala sa ibang tao habang nagmimisa.
3. Respect the Blessed Sacrament. Sa pagpasok sa Simbahan at bago umupo, mag-genuflect (bahagyang pagluhod at antanda) bilang tanda ng respeto sa Blessed Sacrament. Ganito rin ang ginagawa bago umalis ng simbahan.

4.Remain quiet while waiting for the mass to start. Manatiling tahimik, magdasal at ihanda natin ang sarili sa Banal na Eukaristiya. Hindi ito ang tamang oras para makipag-chikahan sa mga ka-friendster or facebook o kaya’y hanapin ang iyong ‘crush’. Maaari natin itong gawin pagkatapos ng Misa at sa mas mahabang panahon.
5.Turn-off cellphone or any distracting mobile devices. Nais nating maituon ang buong atensyon sa Banal na Misa, para lubos nating maunawaan ang Salita ng Diyos. Paano natin ito magagawa kung ang naririnig mo ay ‘Nobody, nobody but you…” o kaya’y “Igiling-giling”? Ikaw man ay maiinis kung ganito ang iyong maririnig kahit sa simpleng panunuod lang ng sine, ano pa kaya kung nasa loob tayo ng sagradong pook ng Diyos?
6.Participate in the Mass, Body, Mind and Spirit singing, responding and praying. Maging aktibo tayo sa pagtugon habang nasa Misa. Kung kaya nating makipagkwentuhan nang umaatikabo sa ating mga kaibigan hanggang madaling araw, di hamak na mas kaya natin ito sa loob ng isang oras. Sa pag-awit, di bale nang sintunado – para kay Jesus ito na ang pinakamagandang tinig sapagkat ito ay para sa Kanya.
7.Avoid eating and drinking during the mass. Hindi katanggap-tanggap ito kahit sinuman (bata o matanda). Bakit? Una, respeto . Pangalawa, kailangan ng isang oras na ayuno bago tumanggap ng Komunyon. Hindi nakamamatay ang di natin pagkain sa loob ng isang oras.
8.Maintain cleanliness. Anumang lugar lalo na ang Simbahan ay hindi malaking basurahan na pwede pag-iwanan ng anumang kalat. Kung gaano tayo kaingat sa pagkakalat sa kanino mang bahay, higit pa dapat sa Tahanan ng Diyos.
9.Proper Communion. Tanggapin ang Banal na Tinapay nang buong galang, bahagyang tumungo at sumagot ng malakas na ‘Amen’. Sa panahon ngayon ng malawakang pagkalat ng sakit, mas makabubuting tumanggap na lamang ng Komunyon sa kamay. Itaas nang bahagya ang parehong kamay, ang kaliwang kamay ay nasa ibabaw ng kanan (ang kaliwang kamay ang pangsahod samantalang ang kanan ang gagamitin sa pagsubo ng tinapay)
10.Attend the mass from start to finish. Magsimba tayo mula pambungad na awit hanggang sa pagbababasbas ng Pari. Iwasan nating umalis sa kalagitnaan ng Misa sapagkat ito ay kawalan ng respeto sa nagmimisa at malaking abala sa ibang dumadalo. Iwasan nating gawing sine ang Misa kung saan aalis tayo anumang oras natin ibig.
Sources:
http://happycatholic.blogspot.com/2007/08/church-etiquette.html
http://www.catholic.org/hf/family/story.php?id=19458
http://www.rcam.org/liturgical_news/proper_attire.htm