Powered by Blogger.

Sunday, October 30, 2005

Centennial Logo Sa Museo ng Ating Mga Puso

By Mk Flores


Halos kumpleto na ng binuwag na Centennial Committee, na pinamumunuan ni Anluwage.Com senior editor Pietro Albano, ang balangkas ng mga programa para sa pagdiriwang ng ika-100 Anibersaryo ng Saint Joseph de Gagalangin Parish. Subalit bunsod na rin ng pagtatagumpay ng ilang pwersang kumilos upang mapalitan ang komite, lahat ng plano ay naunsiyami kaya napilitan ang grupo ni Albano na ikahon na lamang ang mga ito, kabilang na ang dapat sana'y official centennial logo.

Malakas ang dating ng logo na ito sa mga unang nagkaroon ng pagkakataon na masilip ito. Cute daw at huling-huli ang tema ng sentenaryo na:BANYUHAY NG PAROKYA: PANANAMPALATAYA, PAG-ASA, PAG-IBIG!

Ang logo ay dinisenyo ng isa pa rin senior editor ng Anluwage.Com, si Art Reyes. Ito ay mayroong tatlong silhouette ng tao na may tatlong kulay, pula, luntian at lila, na kumakatawan sa tatlong theological values. Nakataas ang mga kamay ng nasa silhoutte tanda ng pagpupuri, pagsasaya, pasasalamat at pagluwalhati sa Panginoon na sinaliwan ng papatingkad na mga kulay upang bigyang diin ang Banyuhay o bagong buhay

Ang image ng simbahan sa background ay kinulayan ng dilaw at berde, mga kulay na identified sa Patrong San Jose, samantalang ang mga gintong bunga ay sumasagisag naman sa papahinog na nating pananampalataya.

Sulyapan natin ang natatanging eksibit na ito at ingatan na lamang sa museo ng ating mga puso.



No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP