Powered by Blogger.

Saturday, October 29, 2005

Top 10 ANLUWAGE Pasaway Moments

By Sister Act

Kakambal na raw ng lahat ng all organizations ang intriga; mapa-pulitika, mapa-eskuwela, mapa-barkada. Pahuhuli ba naman ang simbahan? Hindi noh?!

Ang Tanghalang Anluwage nga ay super-ever bugbog to the max sa intriga sa 14 years of existence nito noh? Kaya ngayong anniv namin ever ay binalik-balikan namin ang mga intrigang sukdulang gumulantang sa aming grupo ever. Kagaya rin kami ng ibang groups – may mga pasaway moments din kami.



10.ANG VIDEO CAM NI SIS. ENGIE - Kumalat ever ang tsismak na sinira umano ng mga Anluwage ang video cam ni Sis. Engie matapos itong hiramin ng grupo upang i-cover ang historic na first visit ng Our Lady of Manaoag sa Gagalangin. Ang sey ng Anluwage: nasira at hindi sinira! Yun na!

9.SIGNATURE MODEL SI CHA – Pineke umano ng isang senior member ng Anluwage ang pirma ng kagalang-galang na presidente ng Pastoral Council upang makakuha ng pondo. Ang sey ng Anluwage: Tinulungan lang ni Cha na pumirma ang presidente ‘noh. May permiso naman verbally ang pangulo na kumuha ng pondo sa Pastoral ang kaso nga lang hindi mahagilap ang presidente at dahil gahol na sa oras, ipinirma na lang siya. Masama ba iyon?

8.TRAVEL ADVISORY – Sinabon daw ni Fr. Bong Guerrero ang mga Anluwagers kasi ipinalit ng mga ito ang column ni Rev. Edwin Bravo sa kanyang column sa ANG PAHAYAGANG ANLUWAGE habang siya ay nasa abroad. Ang sey ng Anluwage: masyado namang exaggerated ang tsismis na iyan. Hindi naman kami sinabon. Sinibak lang niya ang buong editorial staff at saka isinara ANG PAHAYAGANG ANLUWAGE at ipinalit ang ANLUWAGETTES.

7.HOY! GISING! – Dalawang sabunan daw ang ginawa ni Fr. Bong Guerrero sa Anluwage. Da 2nd time around ay noong culminating events para sa Marian Festival noong 1995, na katulong na itinaguyod ng grupo. Sa schedule, may prusisyon ng 4AM at may misa si Fr. Bong ng 5AM. Ang siste, walang choir, wala ang mga youth sa prusisyon at Misa. Ang sey ng Anluwage: magdamag kasi kaming nag-vigil sa Blessed Sacrament, na part pa rin ng mga activities ng festival, kaya borlogs ang mga lolo’t lola mo kinabukasan.

6.KANDUNGIN SI NENE – Ang cheap, ha! Nahuli daw kuno nina Fr. Mar Enriquez at Fr. Bong Guerrero at ilang opisyales ng Pastoral Council ang 2 members ng Anluwage, isang lalake at isang babae, sa saradong HQ ng grupo na magkakandong. Ang sey ng Anluwage: Anong masama? Ang masama ay kung apat na tao ang magkakandong dahil siguradong mapipilay iyong nasa pinakailalim. Saka paanong nahuli, eh sarado raw ang HQ? Ay, tanga!

5.AD CAMPAIGN – Kinuwestiyon daw sa Pastoral Council ang pagsu-solicit ng ANG PAHAYAGANG ANLUWAGE ng mga advertisements mula sa mga business establishments sa Gagalangin. Saan daw ba napupunta ang pera? Ang sey ng Anluwage: Ay, isa pang tanga! Natural pambayad sa paimprenta at sa operational expenses. Hindi naman nagbibigay ng budget ang Pastoral para dito at libre naman ipinamumudmod ang Pahayagan. Kumpleto ang libro de kuwenta namin ‘no at dinala namin iyon sa harap ng Pastoral Council. Ang hirap kasi, yung mga hindi nagbibigay ay siya pa ang pinakamadada.

4.TODO SINTUNADO – Nagtampo raw ang mga choirs ng Parokya sa Anluwage dahil sa isang headline ng newsletter. Ito ay nang i-appoint ni Fr. Bong si Sis. Vicky Nepomuceno bilang Chairperson ng Music Ministry. Matindi ang background ni Sis. Vicky sa nasabing posisyon sapagkat siya ay nahasa ng Archdiocese of Manila, most especially sa Liturgical matters. Ang headline: CHOIR NG ST. JO HINDI NA SINTUNADO! Ang sey ng Anluwage : WE ARE SORRY! Nagkaroon ng typographical error at di sinasadya ng press na ma-delete ang open quote at close quote para sa salitang SINTUNADO. Ito’y figure of speech lamang na ang ibig sabihin ay may magbibigay na ng tamang direksiyon hindi lamang sa tamang pagkanta kundi maging sa malalim na kahulugan ng nasabing ministry.

3.KUDETA - Ang Anluwage raw ang pasimuno ng pagkilos upang mapalitan ang nakaupo noong direktor ng Music Ministry na si Bro. Pepito Velada. Hindi naman daw choir ang Anluwage kung bakit nakikialam ito sa affairs ng Music Ministry. Ang sey ng Anluwage: Not exactly pasimuno. Mga lider pa rin ng mga choirs na naghahangad ng pagbabago at pag-unlad sa ating Music Ministry ang nagpasimuno. Tumulong lang kami. And we are very happy we did. At kung bakit naman kami nakikialam, well, lahat ng nagsisimba at nakikiisa sa Misa ay dapat may pakialam. Sapagkat kung nasa ayos ang mga choir, maayos din makakasabay ang mga tao.

2.HANAP-PATAY – Ginisa raw sa isang meeting ng mga Special Ministers of the Eucharist (SME) at Fr. Bong ang ilang editors ng ANG PAHAYAGANG ANLUWAGE at ang columnist ng Usapang Patyo, na si Cha Leyson, dahil sa pagbubunyag ng newsletter tungkol umano sa “illegal” na pagbebendisyon ng mga patay ng isang kasapi ng SME. Ayon sa artikulo, walang karapatang magbendisyon ng patay ang mga SME. Ang sey ng Anluwage: Totoo iyan. Siyempre pa ang pumiyok ay yung guilty. Subalit ipinaliwanag sa amin ni Fr. Bong na during extreme cases ay pinahihintulutan ito, lalo na sa mga lugar na kulang sa pari. Ngunit ito ay sa paraang ipagdarasal lamang ang yumao at hindi na gagamitan pa ng kung anu-anong seremonyas, gaya ng natuklasan namin.

1.CENTENNIAL POISON LETTER – Nag-tie sa Number 1 Anluwage Pasaway Moment ang lumabas na poison letter laban sa dating Kura Paroko na si Fr. Bong Guerrero at ang maalingasngas na pagkakasibak sa ilang key officers ng Anluwage mula sa Parish Centennial Committee. Ang sey ng Anluwage : Nag-issue na kami ng statement noon, categorically denying the allegations na kami ang nasa likod ng posion letter na iyon. It’s very un-Anluwage. Kung kami ang gagawa non, lalagyan pa namin ng logo ng Anluwage. Dahil naniniwala kaming duwag lamang ang makakagawa ng anonymous poison letter. Tungkol naman sa Centennial Committee, pabayaan na natin sa mga elders iyan. Sa year 3005 na lang kami papapel diyan.

Fourteen years ng maiinit na eksena para sa Tanghalang Anluwage. Ilan lamang ito sa hindi na mabilang na struggles ng aming grupo ever. Paano namin na-survive ito?


Simple lang. Ang sabi ng Panginoong Jesus, kung gusto natin maglingkod sa Kanya ay pasanin natin ang ating mga krus at sumunod sa Kanya.


Iyon na.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP