Powered by Blogger.

Friday, November 11, 2005

Extra Challenge

By Aries Brecino ( CYO )


Huwebes pa lang, October 27, napag-isipan ko na hindi pumasok sa trabaho upang ihanda ang mga gagamitin para sa St. Joseph Parish Youth retreat kinabukasan. Isa ako sa pitong facilitators na naatasan para sa retreat na ito, na tatagal ng 3 araw, kaya Huwebes pa lang kailangan makapag-impake na dahil tiyak na mauubasan ka ng oras para sa sarili mo pag dumating ang araw ng Biyernes, ang unang araw ng retreat. Huwebes ng gabi, bisperas ng aming alis patungong Tagaytay, bilang isang facilitator kasama sa gawain namin ang pamamalengke. Siyempre saan pa eh di sa Divisoria! At dahil umuulan, anim na lang kaming namalengke.

Grabe ang dinanas namin, pang Extra Chalenge. Unang challenge, maglalakad si Ate Loury, mamalengke at lilibutin ang buong Divisoria (in fairness, nagawa nya!). Pangalawang chalenge, lulusong si Ate Joie sa baha! Hehehe! Naalala ko tuloy yung itsura n'ya na parang nag-aaabang ng kariton na magtatawid sa kanya.(Syempre, nalampasan din nya ang challenge).

Eto na ngayun ang sunud-sunod na challenge na kinaharap naming lahat: ang pagsugod sa ulan, pakikipagtawaran sa mga tindero at tindera ( hirap atang makipagtawaran lalo na kasama mo eh sina Ate Loury, Ate rev at Ate Joie, pano naming sasabihing nangangayayat na at kelangan nila kaming bigyan ng discount? Hirap nun!), magbuhat ng 10 kilong sayote(na hate ni ching!),5 kilong saging na saba, 3 tray na itlog, pipino, kalamansi, kamatis sibuyas, carrots, at etc. Andami talaga!

Next challenge, buhatin pauwi lahat ng pinamili.(Kulang pa ang kamay namin para mabuhat lahat 'yun! Grabe!) Sa awa ng Diyos at tulong ni San Jose, nadala namin lahat 'yun sa harap ng simbahan, until another challenge came. Paano namin dadalhin 'yun sa loob ng simbahan ng nakaPAYONG at hindi mababasa.

"Yehey! Hindi sila dadalaw!" Unfortunately, nagoyo kami.

Mayamaya lang heto na ang isa naming kasama, tumatakbo papunta sa amin, sabay sabing dumating na si Tatay Rody Segovia, ang Pastoral Council President. Syempre lahat kami na-shock. Grabe! Maya-maya eto na at parating na rin si Mommy Lita Lagasca, kasunod si Tita Oying Vidar at sa likod nya ang mapagkunwari sa text na si Tito Hermie Fabian.

Ewan ko ba! hindi ata talaga nila kami matiis. Salamat po sa pagsilip nyo sa amin sa retreat house! Nagdala pa sila ng maraming butche at ang pinag-agawan naming kakanin. At si Mommy Lita, talaga atang labs nya kami, biruin mo bang sya ang nagluto ng arroz caldo para saa miryenda namin at pinaluto pa nya kami ng caldereta na wala naman sa menu namin. Salamat po Ulit! Mga bandang alas tres o alas kwatro nang sila'y umuwi.

Kinabukasan, pagkatapos mag-agahan ang lahat ng masarap na tuyo at itlog at kamatis, tinawag na lahat ni Bro. Michael sa conference room para sa isang activity. Nung una'y akala namin ay hindi na kami makakasama dahil nga kailangan pa naming ihanda ang susunod na menu. Pero hindi ganun ang nngyari, maging kaming pito ay tinawag din at kailangan daw na kasama kami sa activity na 'yun.

Habang sinisimulan ang session, halos nagbibiruan pa ang lahat. Ngunit ng dumating ang time na kelangan na naming gawin ang activity, naging tahimik ang lahat at nakinig. Mayroong 14 maliliit na piraso ng papel na may pangalan namin. Bawat numero sa isang papel ay may kaakibat na salita, at kung kanino namin nais sabihin ang katagang yon ay duon namin ibibigay ang papel na yun. Nagsimula sa number 1, tapos number 2,..... habang lumalaon, hindi namin napansin na unti-unti na palang pumapatak ang mga luha sa aming mga mata. Ang iba nagpupunas ng luha sa pamamagitan ng panyo, ang ibang walang dala, ewan ko jacket na lang ata ang pinamunas.

Pagkatapos ng activity, tinanong kami kung ano ang naramdaman namin during the activity. Yung iba habang nagsasalita umiiyak pa rin, yung iba naman casual lang, yung iba naka-recover na. Pero sa tingin ko isa lang ang naramdaman naming lahat - ang makahinga ng maluwag at labis na kasiyahan, sapagkat ang mga simpleng salita na hindi namin nasasabi sa isa't isa, sa pamamagitan ng isang maliit na papel ay naiparating namin sa isa't isa.

Naalala ko tuloy, habang may isang nagsasalita, bigla kaming nagkatawanang pito. Kasi nabiro yung isang kasama namin. Mamaya-maya daw iiyak kaming lahat ulit kasi hindi pa nakakapagluto ng tanghalian. Hehehe!

Pagkatapos ng Activity na yun, balik kusina kami. Malapit na sana maluto yung ulam namin sa pananghalian at miryenda sa pag uwi nang biglang nag-announce si Ate Joie na pwede daw mag swiming. Ewan ko ba at sa atat naming 3 lalaki na facilitators, iniwan namin ang mga ginagawa namin at sabay-sabay na nagtampisaw sa tubig. Hala sige, langoy dito, langoy duon! Naglaro pa nga kami ng tayaan sa tubig. At pagkatapos ng syesta namin, hayun, wala ng naghanda ng hapag kainan at nagkanya-kanya na kami ng kuha ng pananghalian. Tamang-tama naman, pagkatapos naming kumain ng late na tanghalian ay dumating ang bus na susundo sa amin. At syempre, tulong-tulong din kaming nagligpit at naglinis ng mga kwarto at kusina na aming ginamit. Kanya-kanya ng dala sa bus ng mga gamit at tulong-tulong sa pagche-check ng mga naiwang gamit. At bilang alaala sa caretaker ng retreat house, iniwan namin sa kusina ang bagong luto na mixed vegetables na para sana sa pancit na dapat ay morning merianda namin.

At habang nasa bus, nagkakagulo pa rin ang lahat sa pagpapirma at paghingi ng dedication para sa isa't isa. Hanggang tinawag kami ni Ate Joie upang ipakita ang kakaibang nilalang na nakuhanan daw nila ng video sa kwarto nila. Syempre nagkagulo ang lahat at gusto itong makita. Pagkatapos naming mapanood, sabay-sabay kaming nagkatawanan! HA!HA!HA!HA!

Si Rev naghihilik!

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP