Pagsubok, Pagkakataon
Ni Hidalgo Del Arrabal
Kapag ang mga nasa paligid mo'y di palasimba,
Kapag umuulan o kaya'y sira ang iyong sasakyan,
Kapag kay Father, Brod, o Sis ay di ka nasisiyahan:
Magsisimba ka pa rin ba?
Kung si Kumpare, Kumare o katrabaho'y may Number 2,
Kung nakakabighaning talaga ang ganda ng iyong kapit-bahay,
Kung malayo ka sa iyong asawa o kasintahan:
Mananatili ka pa rin bang tapat sa iyong sinumpaang pangako?
Kapag dasal mo'y tila di pinapakinggan,
Kapag mukhang wa epek ang anumang iyong pinagsisikapan,
Kapag panay negatibo na lang ang nasasagap mong balita:
Magpupursige ka pa rin ba sa iyong mga pangarap?
Kung walang pakain matapos ang padasal,
Kung nawalan ka na ng papel o puwesto,
Makiisa ka pa rin ba sa iyong grupo?
Ang pananampalataya'y isang regalo.
Nasa atin na kung ito'y ating isasabuhay at pauunlarin.
Mga pagkakataong ipahayag, "Oo tagasunod ako ni Kristo"!

No comments:
Post a Comment