Handling Delays and Diversions
By Maloi Malibiran-Salumbides
May mga pagkakataon sa buhay at sa ating trabaho na nakararanas tayo ng pagkaantala sa ating mga plano, schedule at mga bagay na inaasahang mangyari. Minsan hindi lang delay, kundi pagbabago talaga ng direksyon at destinasyon ang ating nararanasan. Such was my family's experience recently. We went out of town for three days for a short vacation to celebrate my birthday. Masayang-masaya ang tatlong araw ng aming bakasyon, pero noong kami'y pauwi na, doon nagkaroon ng major delay sa aming flight hanggang sa sabihin ng airline na yung eroplano namin ay na-divert sa ibang airport at kailangan naming magbiyahe by land ng may isa't kalahating oras pa. The rain pour was heavy and it was getting late. Kung sa iyo ito nangyari, hahayaan mo bang anurin ng tubig ulan ang kasiyahan at magagandang karanasan ng nakalipas na araw? Handling delays and diversion, pag-usapan natin iyan ngayon sa Protips. Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides.
When things beyond your control delay your plans or force you to change course, how would you feel about it? Madi-disappoint ka ba? Magrereklamo? O iinit ang ulo? I have 3 simple tips for you today, remember the word FLY.
F stands for FOCUS on the good in the situation. Noong unang sabihin sa amin na delayed ang aming flight,
sa halip na magreklamo, nagmerienda na lamang kami, nagrelax and we enjoyed the airport lounge. We had three good days in the resort where we stayed. Kung hindi kami magfo-focus sa kung ano ang mabuti,
our good experience will be washed away by a few hours of delay. Minsan may ilang di kagandahang nangyayari sa ating trabaho. Don't let these things dampen your joy. Huwag mong itapon ang maraming taon ng masaya at mabungang ugnayan sa inyong kumpanya dahil lang sa ilang pangyayari na hindi umayon sa iyong expectations. Choose to focus on the good of the situation.
L stands for LOOK for opportunities that delays and diversions provide.Because our flight was delayed, nagkaroon ako ng opportunity na makipagkwentuhan sa ilang staff ng airport at naging opening ito to share about God's love to them. Nang i-anunsiyo ng airline na kailangan naming magbiyahe pa ng malayu-layo para marating ang airport kung saan na-divert ang aming eroplano, ang sabi ng aking biyenan sa kanyang mga apo, "This is good, makakapag-sight-seeing pa tayo!" Focus on the opportunities that delays create.
Y stands for YEARN to learn. Delays and diversions are great teachers. Ang pagkaantala at pagbabago sa ating sitwasyon at mga plano ay maraming mabubuting bagay na pwedeng ituro sa atin gaya ng patience, optimism and the acknowledgement that we won't always be in control. But we only learn from not so good situations if we yearn to make the most our of everything that comes our way. Para sa marami nakaka-disappoint ang delay. Nakaka-disorient ang biglaang pagbabago sa direction. Many frown at delayed and diverted flights. But excellent people, still choose to fly by focusing on what is good, looking for opportunities and yearning to learn from the situation.
Don't let delays disappoint you. They may be God-appointed to help you prioritize what you should be doing in the first place.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY.

No comments:
Post a Comment