Powered by Blogger.

Wednesday, July 10, 2013

Ikaw Ba? O Ako?


Ikaw Ba? O Ako?

by Loren Bernardo

Iskwater, Informal Settler, No Permanent Address, o Ghetto,
Mga taong nakatira sa tabing ilog at estero;
Siniksik ang mga sarili kahit sa katiting na espasyo,
Pero, sino nga bang dapat sisihin, Ikaw Ba? O Ako?


Ikaw na ngang tinatawag na dukha at maralita,
Ngunit bakit tila hindi mo na naisip ang iyong mga gawa;
basura mong basta na lang sa ilog itinapon, 
pag bigla kang binaha, may maiisip ka pa bang solusyon?


Ito naman si kuya, basta na lang pinitik ang upos ng sigarilyo,
Pati balat ng chichirya ay kinalat ng batang pilyo.
Si Manang naman sa may palengke, pagkakalat ang bisyo,
Kaya ang mga kanal, sa buong Siyudad ay barado..


Eh sino ba talaga ang may sala pag nagbabaha tuwing may bagyo?
Ang PAGASA ba? DPWH? O ang MMDA na si Mr. Tolentino?
Sabi nga nila, isang daliring itinuro mo, apat ang nakatapat sa'yo,
Sino ang dapat na sisihin? Ikaw ba? O ako?


Simple lamang ang sagot sa makulit na katanungang ito,
Ang totoong may sala ay walang iba kundi Ikaw at Ako..
Si Meyor, PAGASA, DPWH, MMDA, si ate at kuya, ikaw at ako,
Wag na tayong magturuan, sa halip ay magtulung tulong tayo..



Bawasan natin ang pagkakalat, kesyo maliit o malaki man ito.
Kayo naman na nasa gobyerno, "Daang Matuwid" ang pairalin nyo.
Huwag na nating hintayin ang pag dating muli ng isang bagyo,
Dahil pag ang baha at iba pang sakuna ay naiwasan natin, walang makikinabang kundi Ikaw at AKo...

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP