by Grace B. Madrinan
Pano ba magsimulang lumikha ng isang obra?
Sapat na ba na may panulat at papel, panahon at inspirasyon?
Sapat na ba na may angkin kang talino?
Sa iba't ibang pagkakataon, nakamit ko ang lahat nang ito..
Pero hindi lumabas nang tama at angkop sa panlasa ko, o di kaya'y sa
panlasa ng manunulat...
Pero may isang gabing lubha akong malungkot...
Hanggang sa namalayan ko ang aking sarili na nakahawak na naman sa aking panulat
Hinayaang dumaloy ang kung ano mang nagtutulak sa aking mga kamay
para ilapat ang bawat titik, ang bawat saloobin...
Pero sa bawat taludtod, o talata nasiyahan ako...
At ang bawat lungkot ay napalitan ng kasiyahan...
At ang kasiyahan ay napalitan ng kapayapaan...
Natagpuan ko na ang kasagutan..
Sa bawat tangka ng aking panulat, nagkulang ako
Nagkulang ako sa puso...
Napagtanto ko na sa tuwing ang sinusulat ko ay galing sa puso lalo
na't para sa Kanya, nagkakaroon ng saysay ang lahat..
Ang aking panulat sa Kanya lamang pala mapapanatag...

No comments:
Post a Comment