Powered by Blogger.

Monday, September 12, 2016

Pamilya Muna



"Ang paraan ng pagtulong mo sa paghilom ng daigdig ay dapat magsimula sa iyong sariling pamilya."  - Saint Teresa ng Calcutta

Kapayapaan sa mundo?
Mamuhay kang mapayapa
Sa sariling tahanan mo.

Hustisya’t katotohanan?
Maging patas at tapat ka
Sa ‘tinaguyod mong angkan.

Kawalan ng kahirapan?
Magsumikap ka’t mag-ipon
Pamilya’y pangatawanan.

Pagkakasundo ng tanan?
Maging tagapamagitan
Sa sigalot sa tahanan.

Pag-ibig sa kaninuman?
Pagtanggap, pagpapatawad
Sa tahana’y matagpuan.

Kaayusan sa lipunan?
‘sang maayos na pamilya
Unang hakbang patungo d’yan.


Hidalgo Del Arrabal

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP