Powered by Blogger.

Sunday, March 12, 2017

Ngayong Kuwaresma






Ngayong Kuwaresma

by Hidalgo Del Arrabal

            
Labis ka na namang abala
Sa pagnood ng telenobela
O sa pagsipat sa social media.

Kapatid, ngayong Kuwaresma
Atensyon mo'y ibaling sa iba
Hanapin sa baul ang Bibliya!

Basahi't pagnilayan t'wina
Mensahe ay hitik sa pag-asa
Walang sinabi ang mga drama!

Dumulog lagi sa Bibliya
Katotohanan dito'y makita
Di sa paboritong social media!

Kapanalig, ngayong Kuwaresma
Tuklasin mong muli ang Bibliya:
Dakilang pag-ibig ng Diyos Ama!


No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP