Powered by Blogger.

Sunday, March 19, 2017

Ang Lihim ni San Jose




Ni Hidalgo Del Arrabal


Itay, paano mo nagawa
Sa panaginip maniwala?
Paano ka nga po nakinig
At sa tukso'y 'di nagpalupig?


Anak, sa Diyos 'ko nagtiwala
Pagsubok 'di 'ko nabahala
Sa Kanya, puso'y laging bukas
Pagpapakumbaba ko'y wagas.

Itay, paano mo hinarap
Mga sakit at paghihirap?
Paano mo po nagampanan
Pagiging ama ng tahanan?

Anak, tapat 'kong nangalaga
Sa Hari at Reyna ng Awa
Tahimik silang inaruga
Sa masama ipinag-adya.

Itay, ituro mo sa amin
Ang nararapat naming gawin
Kay Satanas huwag paalipin
Nais ng Diyos aming tutupdin!

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP