Powered by Blogger.

Sunday, June 25, 2017

Birhen ng Fatima




ni Hidalgo Del Arrabal


Birhen ng Fatima, Inang Maria
Sa tatlong bata ika’y nagpakita
Kina Francisco, Jacinta’t Lucia
Hinabilin na magrosaryo t’wina.

Birhen ng Fatima, Inang Maria
Pagbabagong-loob ‘yong paalala
Pagkakasala ay talikuran na
Dahil labis nang nasaktan ang Ama.

Birhen ng Fatima, Inang Maria
‘sang siglo mula nang ‘ka’y magpakita
Panawagan mo’y angkop na angkop pa
Sa ‘ming kay Satanas nagpakaaba.

Birhen ng Fatima, Inang Maria
Tangan ang Rosaryo bilang sandata
Sa laban mo kami’y makikiisa
Hanggang sa puso mo’y magtagumpay na!

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP