Powered by Blogger.
Showing posts with label San Jose. Show all posts
Showing posts with label San Jose. Show all posts

Saturday, June 23, 2018

Parangal kay San Jose


ni Liza SerquinYeah

O San Jose naming mahal
Dapat kang ikarangal.
'Pagkat hindi naging sagabal
Ang dangal ni Maria sa iyong wagas na pagmamahal.

Maaari kang tularan ng mga kalalakihan
Mga kababaihan naman ika'y hinahangaan.
Tunay kang huwaran sa papel na ginampanan
Sa buhay ni Mariang kabanal- banalan.

Sunday, March 19, 2017

Ang Lihim ni San Jose




Ni Hidalgo Del Arrabal


Itay, paano mo nagawa
Sa panaginip maniwala?
Paano ka nga po nakinig
At sa tukso'y 'di nagpalupig?


Anak, sa Diyos 'ko nagtiwala
Pagsubok 'di 'ko nabahala
Sa Kanya, puso'y laging bukas
Pagpapakumbaba ko'y wagas.

Itay, paano mo hinarap
Mga sakit at paghihirap?
Paano mo po nagampanan
Pagiging ama ng tahanan?

Anak, tapat 'kong nangalaga
Sa Hari at Reyna ng Awa
Tahimik silang inaruga
Sa masama ipinag-adya.

Itay, ituro mo sa amin
Ang nararapat naming gawin
Kay Satanas huwag paalipin
Nais ng Diyos aming tutupdin!

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP